THAILAND, NAGLABAS NG BABALA SA SAKIT NA HAND, FOOT AND MOUTH DISEASE

 


Nag-isyu ng public health advisory ang pamunuan ng Thailand sa pagkalat ng hand, foot and mouth disease (HFMD) ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang hand, foot and mouth disease (HFMD) ay isang nakakahawang sakit na karaniwang tinatamaan nito ay mga bata.

Batay sa datos, nakapagtala ng nasa 21,315 na kaso ng HFMD ang Thailand kung saan 15,753 rito ang mga batang may edad 0-4 anyos; 4,658 ang edad 5-9 anyos; at 544 ang may edad 10-14 anyos.

Karaniwang sintomas ng HFMD ay ang mababang lagnat, masakit na mga sugat sa loob ng bibig, walang ganang kumain, at pagkakaroon ng skin rashes.

Dahil dito, nananawagan si Deputy government spokesman Anukool Pruksanusak na kailangang tiyakin ng mga magulang ang maayos na hygiene at health monitoring sa kanilang mga anak partikular na sa mga edad 5-anyos pababa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog