Inabisuhan ni
dating pangulong Rodrigo Duterte ang 13 girlfriends nito na humanap na mayamang
partner kasunod ng pagkakakulong nito sa The Hague, Netherlands.
Sa isang
panayam kay Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, inalala nito ang sinabi ng
kaniyang ama nang sila ay mag-usap sa loob ng International Criminal Court
(ICC) detention facility.
“Sa mga
girlfriend o lahat ng common-law wife ko, lahat kasi ng dyowa niya, tawag daw
niya common-law wife, 13 sila lahat, maghanap na kayo ng ibang boyfriend.
Siguruhin ninyo ‘yung malaki ang credit card,” anito na pahayag ng kaniyang
ama.
Kabilang sa
mga inabisuhan ang long-time partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña kung saan mayroon siyang anak na babae
na si Veronica “Kitty” Duterte.
Ayon kay
Pulong, si Avanceña at ang dating asawa ni Duterte na si Elizabeth Zimmerman ay
kabilang sa iilan na nakadalaw sa dating Pangulo sa detensyon.
Kaugnay nito,
si Cagayan de Oro Councilor Joyleen “Girlie” Balaba ay isa rin sa mga usap-usapang
naging partner ni Duterte at lumipad patungo sa Netherlands ngunit hindi ito
pinapasok dahil sa mga tuntunin na tanging immediate family members ang
pinapayagang bumisita sa dating pangulo.
Sa halip,
sumali si Balaba sa mga supporter ni Duterte sa labas ng ICC na nagsasagawa ng protesta
na palayain ang 80-anyos na dating pangulo.
0 Comments