Ibinunyag ng
aktres at tv personality na si Kris Aquino na nahaharap ito sa panibagong hamon
kung saan muli itong na-diagnosed ng dalawa pang panibagong autoimmune diseases.
Sa isang post
update sa social media, sinabi ni Kris na ang mga bagong karamdaman ay
komplikasyon mula sa siyam na autoimmune diseases na kaniyang nilalabanan.
Bagama’t
hindi nito nabanggit ang pangalan ng mga sakit, ipinahayag nitong mas lumala
ang kaniyang rheumatoid arthritis dahil sa bagyong Crising.
Nauna nang
inilista ng aktres ang mga sumusunod na autoimmune conditions na kaniyang
nararamdaman:
Rheumatoid
arthritis, Thyroiditis, Chronic spontaneous urticaria, EGPA (Churg-Strauss
Syndrome / eosinophilic granulomatosis with polyangiitis), Systemic sclerosis /
scleroderma, Lupus (SLE), Fibromyalgia, Polymyositis at Mixed connective tissue
disease.
Sa kabila ng
mga karamdaman ay labis ang pasasalamat ni Kris na gumaling na ang anak nitong
si Bimby na tinamaan ng stomach flu.
Inanunsyo pa
ng aktres na si Bimby na din ang mamamahala ng kaniyang Instagram account na
may pahintulot mula sa kaniya.
“Let’s have
fun. Bimb will soon take over my IG (with me checking before he posts). Get to
know us because we are very different people now,” anito.
0 Comments