Sapilitang
pinagtatanggal ang humigit-kumulang 18 manggagawang Pinoy na nakaposas mula sa
isang cruise ship sa Port of Nortfolk sa Virginia.
Ayon sa mga
lider ng Filipino American community, pinauwi ang mga ito sa Pilipinas at
pinagbawalang pumasok sa United States ng sampung taon.
Naglabas ng pahayag
ang Carnival Sunshine cruise line, ang Pilipino Workers Center (PWC) at ng
National Federation of Filipino American Associations (NaFFAA) na ang US
Customs and Border Protection (CBP) ang nagpatanggal sa mga nasabing manggagawang
Pinoy na lahat ay mayroong valid na 10-year visas.
Anila, ang naturang
mga tinanggal na crew members ay mayroong exemplary backgrounds at nakapasa sa
mahigpit na background checks bago makakuha ng work visas. Kung kaya’t palaisipan
kung bakit sila sapilitang tinanggal.
Maging ang
kanilang visa ay kinansela at pinatawan pa ng 10-year ban sa muling pagpasok sa
US.
Dahil sa
nangyari, ang natitirang mga crew members ay nangangamba na baka sila ang
susunod na mabiktima ng naturang agresibong aksyon.
“A disturbing
national trend that has seen other crew members deported under similar false
pretenses, despite their valid visas and lack of criminal charges,”
paglalarawan ng mga grupo ng Fil-Am.
0 Comments