KISSES DELAVIN, ISA NANG BALLERINA



 

Viral ngayon sa social media ang dating PBB Housemates na si Kisses Delavin dahil sa mga larawan nitong nagba-ballerina sa Amerika.

Ayon sa mga netizens, tila bahagi na umano ang dating PBB housemates ng isang pagtatanghal ng Martha Grahan School of Contemporary Dance sa New York, USA, kung saan siya nag-aaral.


Bagama’t walang opisyal na kumpirmasyon mula sa aktres, marami ang natuwa na muli siyang nasilayan dahil sa ilang taon din itong nawala sa showbiz spotlight.

Taong 2021 nang huling nakita si Kisses nang ito’y sumali sa Miss Universe Philippines dala ang probinsya ng Masbate.

Mula noon, nablangko na ang madla kung ano na ang pinagkakaabalahan nito dahil saw ala na itong updates sa kaniyang social media.

Matatandaan na nakilala si Kisses noong ito’y maging 2nd Big Placer sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7" at at naging bahagi ng ilang teleserye at pelikula sa ABS-CBN. 

Mas lalo pa siyang sumikat sa pagkikipagtambal sa onscreen loveteam na si Donny Pangilinan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog