Nagulat ang
pamilya ng 2-anyos na batang lalaki nang mapatay nito ang isang cobra na
pumulupot sa kaniyang mga kamay sa bayan ng Bettiah, India.
Sa ulat,
naglalaro ang bata nang makita nito ang ahas. Dahil sa pagka-curios ay bigla
nitong nilapitan ang ahas at tsaka binato ng isang brick.
Mabilis na
umatras ang ahas at pumulupot sa mga kamay ng bata.
Napansin
naman ito ng mga pamilya ng bata dahilan na napatakbo sila dito ngunit bago pa
man sila nakalapit ay nakagat na ng bata ang ahas at tsaka ito namatay.
Matapos ang
pangyayari, nawalan ng malay ang bata kung kaya’t mabilis siyang isinugod sa
ospital.
Maswerte naman
na naligtas mula sa nakakalasong venom ng ahas ang bata nang agad itong bigyan
ng gamot.
Nabatid na
ang India ay tahanan ng mahigit 300 na mga ahas kabilang na ang 60 mga ahas na
highly venomous.
0 Comments