MAGSASAKA, PATAY MATAPOS MABAGSAKAN NG NATUMBANG PUNO NG NIYOG

 


Patay ang isang 48-anyos na magsasaka matapos itong tamaan ng puno ng natumbang niyog nitong Lunes sa Barangay Bucao, Polillo, Quezon.

Ayon sa ulat, kasama ng biktimang si Andrew ang tatlo pang indibidwal sa isang bukid na pagmamay-ari ng barangay chairman.

Sinasabing nag-aani ang biktima kasama ang tatlong iba pa sa kasagsagan ng malakas na ihip ng hangin.

Hindi naman napansin ng biktima ang pagkatumba ng puno ng niyog dahilan na tuluyan itong bumagsak sa kaniyang ulo.

Samantala, sinabi ng municipal health officer na cerebral hemorrhage ang ikinamatay ng biktima bunsod ng aksidente.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog