200 POWER PLANTS SA LOOB NG TATLONG TAON?

 


Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na pinapabilis na ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga bagong power plants bilang tugon sa problema sa kuryente sa bansa.

Sa kaniyang ginanap na Station of the Nation Address (SONA) 2025, inanunsyo nitong target ng kaniyang administrasyon na makumpleto ang nasa 200 na power plants sa susunod na tatlong taon.

“Ito ay may kakayahang magpailaw sa apat na milyong kabahayan, o sa mahigit na dalawang libong pabrika, o sa halos pitong libong tanggapan at negosyo,” ani ng pangulo.

Ibinahagi pa ng pangulo na mula ng mag-umpisa ang kaniyang administrasyon ay nasa 5-milyong mga kabahayan ang walang kuryente bagama't ang bilang na iyon ay nabawasan na ngayon ng halos kalahati.

“Naririyan pa rin ang mga problema sa enerhiya na damang-dama ng bawat Pilipino, kagaya ng: Tatlong milyong kabahayan na wala pang kuryente; Palagiang brownout,” aniya pa.

Samantala, nangako naman ang Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA) na maabot ang electrification target mula ngayong taon hanggang 2028, lalo na sa mga lugar tulad ng Quezon, Camarines Norte, Palawan, Masbate, Samar, Negros Occidental, at Zamboanga del Sur.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog