2 MENOR DE EDAD, IKINUSTODIYA SA CICL DAHIL SA PAMBU-BULLY

 


Ikinustodiya na ang dalawang menor de edad sa Children in Conflict with the Law (CICL) kasunod ng insidente ng pambu-bully sa Basilan National High School.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang naturang mga suspek ay nakilalang sangkot sa nag-viral na video noong Hunyo 25. Kung saan, pinipilit nilang manigarilyo ang biktima at nang tumanggi ito ay dito na siya pinagbubugbog, sinipa at hinampas ang ulo sa pader.

May isa pa sa mga suspek ang naglabas ng kutsilyo at pinagbantaang saksakin ang biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima dahilan na isinugod ito sa ospital sa Isabela City at kalauna’y inilipat sa Zamboanga City para sa karagdagang gamutan.

Nitong Hulyo 4, naghain ng pormal na reklamo ang tatay ng biktima kung kaya’t nagsagawa ng initial probe and searched ang mga ito sa mga suspek na hindi na umuwi matapos ang pag-atake.

Ilang sandali pa, nahuli na ang mga suspek at ikinustodiya alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na mayroong history ng behavioral issues ang mga suspek na parehong menor de edad.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog