Arestado ang
isang babaeng taga-Thailand matapos umano nitong ginawang pang-blackmail ang kaniyang
video scandal kasama ang isang Buddhist monks.
Si Wilawan
Emsawat o mas kilala sa palayaw nitong Sika Golf, 35-anyos, ay inakusahan ng
pagkakasangkot sa pakikipagrelasyon ng sekreto sa 13 mga monghe, money
laundering at pagtatanggap ng mga nakaw na kagamitan.
Sa report,
kumikita umano si Emsawat ng halos £9million (mahigit P691 milyon) matapos
gamitin ang mga video footage at mga larawan kasama ang mga senior religious
para makapangikil ng pera.
Isa sa mga
nabiktima nito ang 53-anyos na monghe na hiningan niya ng £179,000 (mahigit P13
milyon).
Binantaan pa ni
Emsawat ang matandang monghe na ilalantad nito ang kanilang relasyon sa kapwa
monghe kapag hindi nito ibibigay ang hinihiling na halaga.
Dahil dito, nabahala
ang Buddhist world sa naturang kaso at kinuwestyon ang transparency, disiplina
at lumalaking pagkadismaya sa religious elite sa Thailand.
0 Comments