BARBIE NIYO, MAY DIABETES NA!

Ipinakilala ng Mattel ang kanilang kauna-unahang “Barbie doll” na may Type 1 diabetes.

 

Tampok sa bagong manika ang tuloy-tuloy na glucose monitor at insulin pump kung saan ito ang dalawang medical devices na karaniwang ginagamit ng mga tao kapag sila ay mayroong Type 1 diabetes.


Ang naturang sakit ay isang chronic condition kung saan ang katawan ay hindi makabuo o hindi sapat ang insulin hormone.

Ayon kay Krista Berger, senior vice president ng Barbie at global head of dolls, nakakatulong ang Barbie na hubugin ang maagang pananaw ng mga bata sa mundo at isa na rito ang pagiging aware sa sakit na Type 1 diabetes.

Dagdag pa rito, dalawa pang Barbie doll ang ipinakilala nina Peloton fitness instructor Robin Arzón sa U.S. at model Lila Moss sa U.K. na parehong advocates ng Type 1 diabetes.

Maliban rito, dalawa pang bagong Barbie Fashionistas dolls ang inilabas ng Mattel. Ito ay ang bulag at may Down syndrome na nagpo-promote ng inclusivity.

Ang naturang mga Barbie dolls ay bahagi ng Barbie Fashionistas line na naglalayong mag-alok ng mas malawak na hanay ng representasyon at hikayatin ang inclusivity sa paglalaro.

Gayundin, matutulungan din nito ang mga bata na mapansin, anuman ang kanilang mga kakayahan o background.



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog