Napatunayang
nagkasala ang isang Australian na si Erin Patterson matapos nitong patayin ang
mga magulang ng kaniyang asawa at ang tiyahin nito.
Inihalo kasi
nito sa pananghalian ang nakamamatay na death cap mushroom na ibinase sa isang
recipe ni celebrity Australian chef Nagi Maehashi, ang author ng best-selling
cookbooks.
Hindi naman
lubos akalain ni Maehashi na ang pinaghirapang recipe para magbigay ng saya ay
ginamit sa isang trahedya.
Sa kabila ng
kinakaharap na trial ni Patterson na tumagal ng mahigit dalawang buwan,
pinanatili pa din nito ang paggawa ng beef-and-pastry dish na mayroong
nakakalasong death cap mushrooms, isa sa pinakanakakamatay na fungus sa buong
mundo.
Maliban dito,
nadiskubre ding guilty ng triple murder ang 50-anyos na naghahatol sa kaniya ng
habangbuhay na pagkakakulong.
Gayundin, siya
din ang suspek sa pagpatay sa ikaapat na bisitang nakaligtas.
0 Comments