8-ANYOS NA BATANG LALAKI, PAGTAHOL ANG PARAAN NG KOMUNIKASYON

 


Hindi maitago ang kalungkutan at awa ng mga awtoridad sa Thailand ng bumungad sa kanila ang isang 8-taong gulang na bata na hindi nakakapagsalita.

Nang kausapin, ang pagtahol na gaya ng isang aso ang paraan ng komunikasyon nito.

Ayon sa ulat, hindi nakatungtong ng paaralan ang bata at naninirahan sa isang “red zone” sa Lap Lae District ng Uttaradit Province sa Thailand.

Kung saan, sa naturang lugar ay talamak ang mga gumagamit ng ilegal na droga.

Napag-alaman na hindi normal ang naging paglaki ng bata dahil sa halip na makisalamuha sa ibang mga bata, aso ang naging kalaro at kasa-kasama nito kung kaya’t natuto itong gayahin ang kilos at tunog ng mga alaga.

Lumalabas din sa imbestigasyon na palaging humihingi ng pagkain at pera ang nanay ng bata sa templo sa tuwing hindi ito tinutulungan ng mga kapitbahay.

Magmula noon, unti-unti na ding lumalayo sa kanila ang mga residente sa mag-ina maging ang kanilang mga anak ay pinagbawalang lumapit dito.

Nang magsagawa ng drug testing ang mga pulis, nagpositibo sa droga ang ina at ang kapatid nito.

Sa kasalukuyan, ang bata ay nasa maayos na kalagayan na at nasa pangangalaga ng Uttaradit Children's Home.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog