Sugatan ang
humigit-kumulang 30 katao matapos sumadsad ang isang sasakyan sa maraming tao sa
labas ng Los Angeles nightclub nitong Sabado, Hulyo 19.
Ayon sa ulat,
nangyari ang insidente matapos pinaalis sa isang kalapit na business
establishment ang isang indibidwal dahil sa kalasingan at panggugulo. Siya rin
ang drayber ng sasakyang umararo sa mga tao.
Matapos ang
insidente, agad siyang sinugod ng mga tao at hinila pabalas ng sasakyan tsaka
siya pinagtulungang bugbugin.
Sa gitna ng
pambubogbog, ang driver ay binaril ng isang lalaki na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Hindi pa
matukoy ang motibo ng drayber sa insidente ng pag-araro nito sa mga tao.
Dahil sa
nangyari, nakatakdang aarestuhin ang naturang drayber dahil sa pananakit at
pagkakarekober ng deadly weapon.
Samantala, pitong
indibidwal naman ang nasa kritikal na kondisyon at anim ang malubhang nasugatan
mula sa insidente.
0 Comments