Isinugod sa
ospital ang tatlong mga kabataan matapos magkombulsyon dahil sa paninigarilyo
ng isang kakaibang substance na tinatawag nilang “tuklaw” sa Brgy. Mandaragat,
Puerto Princesa City, Palawan.
Sa viral
video, kapansin-pansin ang tatlong kabataan na tila nanginginig at
kinokombulsyon sa gilid ng kalsada.
Ikinagulat
naman ito ng mga tao na nakatambay sa gilid at may ilan pang nagsabi na, “Naging
zombie na yan”.
Ayon sa
imbestigasyon, bago pa man ang insidente ay nakita na ang grupo na humihithit ng
sigarilyo at pagkatapos ay dito na sumama ang kanilang pakiramdam.
Isinugod
naman sa ospital ang tatlong binatilyo para sa agarang gamutan.
Sinabi ng mga
awtoridad na ang “tuklaw” ay isang uri ng herbal material na nagmula umano sa
bansang Vietnam.
Dahil dito, payo
ng pulisya sa publiko na huwag hayaang basta-bastang sumubok ng kung anong
materyal ang mga kabataan lalo na’t hindi ito pamilyar.
0 Comments