ALAM NIYO BA
| Nagtataglay ang bayan ng Numancia ng mahahalagang kasaysayan sa probinsya ng
Aklan.
Ang pangalang
Numancia ay nanggaling sa isang yate ng Espanyol nang nagkataong ito’y dumaan
mula sa Manila.
Iniulat na
ang naturang yate ay naglilibot sa buong mundo.
Sa Espanya,
mayroon ding bayan na ang pangalan ay Numancia na sumikat dahil ang mga naninirahan
dito ay lumaban sa mga pwersa ni Hannibal, isang dakilang heneral ng Carthage.
Ilan ding mga
Espanyol na tumungo sa lugar ay maaaring taga-roon kung kaya’t humiling sila sa
gobyerno ng Espanya na pangalanan itong Numancia sa pamamagitan ng isang royal
decree.
Ang bayan ng Numancia ay napapaligiran ng Aklan River sa Silangan, Sibuyan Sea sa Hilaga, Makato sa Kanluran, at Lezo sa Timog.
Sa kabila
nito, may ilan ding record na ang Numancia ay dating tinawag na “Majanos” na
may kahulugang “lowland” dahil sa ito lang ang natatanging bayan sa probinsya
ng Aklan na walang highland o kahit isang maliit na burol.
Ang pangalang
Majanos ay isang “Malayan” katulad ng Madjaas at Madjahapit.
Noong 1899,
dumating sa bansa ang mga Amerikano at itinalagang pinuno ng Numancia si Felix
Kimpo. Nahalal din si Kimpo bilang pangulo noong 1901 hanggang 1903.
Sa panahong
iyon, mayroong 34 na probinsya sa mga bayan ng Capiz ngunit ito’y nabawasan sa
24 na mga bayan sa pamamagitan ng isang batas na ipinasa ng civil commission
nang madiskubreng walang kakayahan ang ilang mga bayan na maabot ang kanilang
financial obligations at maintenance.
Gayunpaman,
noong Marso 4, 1904, isang executive order ang naipasa kung saan naging isang
munisipalidad ang Banga, Lezo, Numancia, at Kalibo.
Makalipas ang
limang taon, noong Hulyo 31, 1901, nagsumite ng panibagong batas ang civil
commission na nagsasaad ng paghihiwalay ng Lezo at Numancia sa Kalibo. Bago pa
man tuluyang maging munisipalidad ang Numancia, naging baryo muna ito ng Lezo.
Subalit,
nabaliktad ito noong 1920 alinsunod sa Executive Order No. 17, series of 1920,
inilipat ang pamumuno sa Numancia at naging baryo nito ang Lezo.
Hindi naman
pumayag ang mga taga-Lezo na maging subordinate ng Numancia dahilan na naghain
sila ng petisyon na nakasaad ang kanilang intensyon na maging isang ganap na
bayan.
Nangyari ang
paghihiwalay ng Lezo sa Numancia noong bago pa man sumiklab ang World War II ay
agad itong nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon.
Dahil sa
nangyaring World War II, ginanap ang aktwal na inagurasyon para sa paghihiwalay
ng munisipalidad ng Lezo mula sa munisipalidad ng Numancia noong Enero 1, 1945.
Sa naturang
panahon, ang Lezo at Numancia ay tuluyan nang ganap na magkahiwalay na munisipalidad.
0 Comments