ALAMIN ANG KASAYSAYAN SA LIKOD NG BAYAN NG ALTAVAS

 


ALAM NIYO BA | Ang bayan ng Altavas ay unang tinawag na “Jemino”.

Matatagpuan ang Altavas sa pinaka silangang bahagi ng probinsya ng Aklan at ikinukunsiderang daan patungo sa ibang mga probinsya ng Panay, ang Capiz at Iloilo.

Sa nakalipas na isang daang taon, ang Altavas ay katulad lamang ng mga barangay. Naging parte ito ng bayan ng Batan at nasa ilalim din ng pamumuno ng munisipalidad ng New Washington (noon ay tinawag na Lagatik).

Batay sa impormasyon, aksidente lamang na naging munisipalidad ang Altavas.

Ito ay nag-umpisa sa patuloy na pagbabanta ng mga piratang Moro sa mga naninirahan sa dalampasigan ng Batan. Sa takot na sila ay saktan ng mga Moro, lumipat sila at naging residente ng lugar na ngayo’y Poblacion ng Altavas.

Ang naturang mga evacuees ang naging dahilan ng pagkabuhay ng bayan ng Altavas.

Ilan sa mga katutubong lumipat sa lugar ay ang magkapatid na sina Felix at Laureano Candelario na pinaniniwalaang nanggaling sa alinman sa lalawigan ng Capiz o Iloilo para makipagkalakalan.

Sa pananatili at paninirahan ng magkapatid sa lugar, unti-unti silang nakilala at kumikita ng marami dahil sa kanilang pagiging masipag na nag-umpisa sa pagtatanim ng abaka sa Barangay Catmon, mga pinya, beetle nuts, at iba pang mga tanim na in-demand noon.

Dahil sa kanilang mga gawaing pagkakawanggawa, minahal sila ng mga tao at itinalaga sila ng mga awtoridad ng Batan bilang “Cabezas de Barangay” hanggang sa ito’y naging “Tenientes Mayor Absolute”.

Sa kanilang pag-upo sa pwesto, nilinis nila ang lumang lugar ng Batan, naglatag ng mga kalye, nagtayo ng simbahan, paaralan, gusali at iba pang gusali ng gobyerno at pinangalanan ang lugar na “LaguingBanwa”.

Ayon sa kasaysayan, ang “LaguingBanwa” ang orihinal na pamayanan ng Batan.

Sa panahon ng kanilang panunungkulan, ang mga awtoridad sa Batan ay napakahigpit sa mga mamamayan ng LaguingBanwa. Bagaman hindi marunong bumasa at sumulat, ang magkapatid ay pinagkalooban ng makabayang puso.

Muli, pinangunahan ng magkapatid ang pagpasa ng isang petisyon sa Brigadier-Governor General for Visayas at Mindanao at sa Bishop ng Cebu na humihikayat na gawing isang ganap na munisipalidad ang “LaguingBanwa”.

Inilatag sa kanila ang mga requirements upang maging ganap na munisipalidad ang LaguingBanwa na agad naman nilang pinunan.

Nang makumpleto, agad namang nilagdaan ng Brigadier-Governor General sa Cebu ang isang “Decree” na naghihiwalay sa LaguingBanwa mula sa bayan ng Batan sa kondisyon na ang naturang bayan ay tatawaging “Jemino” mula sa pangalan ni Monsignor Jemino, Bishop ng Cebu, na siyang tumulong para aprubahan ang naturang petisyon.

Sa panahon ng pamumuno ng mga Amerikano, iniayos ng Philippine Commission ang mga bayan sa Pilipinas at ang mga bayan ng Jemino, Batan, Balete at Lagatik ay pinagsama bilang isang munisipalidad kung saan ang Lagatik ang siyang mamumuno.

Ngunit, noong 1917, naghain ng petisyon ang mga taga-Jemino sa Philippine Assembly sa pamamagitan ni Hon. Leopoldo M. Alba, representative ng ikalawang distrito ng Capiz at Senator Jose Altavas ng 7th Senatorial District, na humihiling na ihiwalay ang Jemino mula sa Lagatik at bigyan ng permanenteng estado bilang isang ganap na munisipalidad.

Inaprubahan naman ang naturang petisyon at pinalitan ang pangalan nito sa “Altavas” bilang pag-alala kay Senator Jose Altavas, na responsable sa naturang paghihiwalay.

Dahil dito, ang munisipalidad ng Altavas ay nabuo at nasa 4th class regular municipality na mayroong 17 mga bayan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog