MAGKAPATID SA KALINGA, TINAMAAN NG KIDLAT; 1 PATAY, 1 SUGATAN

 


Patay ang isang magsasaka habang sugatan ang nakakatandang kapatid nito matapos tamaan ng kidlat sa Sitio Colasan, Barangay Dugpa, Pinukpuk, Kalinga nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga biktima na sina Zaldy Borja, 22-anyos at Armando, 24-anyos na pawang residente ng naturang lugar.

Sinasabing naglilinis ang magkapatid sa kanilang taniman ng mais nang mapagdesisyunan nilang umuwi dahil sa malakas na ulan na may dalang pagkulog.

Habang binabaktas ang daan pauwi, nauna sa paglalakad si Zaldy habang nasa likuran nito ang nakakatandang kapatid nang bigla silang tamaan ng kidlat.

Sa pagtama ng kidlat ay napasalampak ang magkapatid sa lupa.

Dead on the spot si Zaldy dahil sa natamong malubhang paso sa katawan

Habang, si Armando ay nakagapang pa ng 50-metro sa kabila ng natamong mga paso sa katawan dulot ng pagtama ng kidlat.

Agad siyang isinugod sa ospital at nasa maayos na kondisyon.

Samantala, nagpaalala ang pulisya sa mga magsasaka na agad sumilong kapag nagbabadya ang thunderstorm lalo na’t nagsisimula na ang tag-ulan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog