PASAHERO NG EROPLANO, PINAGNAKAWAN NG HALOS $2,000 SA GITNA NG BYAHE

 


Pinagnakawan ng halos $2,000 ang isang pasahero ng kapwa pasahero nito sa eroplano habang ito’y natutulog.

Ayon kay Enrique Soriano, business senior advisor at columnist, nakasakay ito sa business class na byaheng Manama, Bahrain patungong Istanbul, Turkiye.

Nakatulog si Soriano nang gawin ang pagnanakaw sa mga gamit nito na napansin ng isang flight attendant.

Agad siyang nilapitan ng naturang flight attendant at ipinaalam ang nangyari hanggang sa nakumpirma nitong nawawala na pera nito kabilang na ang ilang foreign currencies. 

Itinuro naman sa kaniya ang salarin ngunit sa halip na komprontahin ay ipinaalam muna niya ito sa kapitan ng eroplano at tumawag sa awtoridad ng paliparan.

Nang lumapag ang eroplano, agad na inimbestigahan ang hinihinalang suspek sa pagnanakaw na mariing tumanggi sa akusasyon.

Sa gitna ng imbestigasyon, natagpuan ng mga flight attendant sa overhead bin na kinauupuan ng suspek ang mga pera may iba’t ibang currencies.

Dito, napagtanto ni Soriano na hindi lang nag-iisa ang suspek kundi may grupo ito na target ang mga airline passengers na natutulog sa gitna ng byahe kung saan karamihan sa mga ilaw ay nakapatay sa cabin.

Dahil sa nangyari, suhestyon ni Soriano sa mga airline na mas doblehin ang seguridad ng mga pasahero sa loob ng eroplano upang maiwasan ang kaparehong insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog