Nagkaroon ng sakit
sa bato ang isang Thai student matapos itong sapilitang ipa-squat ng 200 beses bilang
parusa sa pagiging late sa pagpasa ng takdang-aralin.
Maliban sa
sakit sa bato ay nakaranas din ang estudyante ng pambihirang muscle condition.
Batay sa
isang Facebook post nitong Hunyo 12, inatasan ang naturang estudyante ng guro
nito na mag-squat ng 200 beses bilang disciplinary measure.
Ilang araw
ang nakalipas, nakaramdam ang estudyante ng matinding pananakit sa binti na
tumagal ng ilang araw.
Nagsimula na
din siyang magkaroon ng pasa na nangingitim, maging ang kulay ng ihi nito ay
itim dahilan na agad siyang nagpakonsulta sa doktor.
Dito, nadiskubre
na mayroon siyang ‘rhabdomyolysis’, isang kondisyon kung saan tuluyang bumigay
ang mga muscle tissue dahil sa sobrang pisikal na aktibidad o trauma. Kapag
namatay ang muscle cells, naglalabas ito ng mga toxins sa daluyan ng dugo na
maaaring humantong sa kidney failure. Isa sa mga sintomas nito ay ang maitim na
kulay ng ihi.
Dahil sa nangyari,
sinuspendi ang guro na sangkot sa insidente habang nagpapatuloy pa ang
imbestigasyon.
Patuloy din
ang pagpapagaling ng estudyante sa ospital at ipinaalam na ng mga doktor ang
naturang kaso upang maging aware ang lahat sa posibleng maidudulot ng sobrang
pagpaparusa sa eskwelahan. Gayundin, maiwasan ang kaparehong kaso.
Samantala, kinondena
naman ng mga netizens ang ginawa ng guro at hinikayat ang pamilya ng nasabing
estudyante na kasuhan ito.
0 Comments