LAW STUDENT NA NAWAWALA, NATAGPUANG PATAY

 




Natagpuang patay sa Cavite nitong Sabado ang isang estudyante na naiulat na nawawala noong Hunyo 8.

Kinilala ang estudyante na si Anthony Granada, 25-anyos, kumukuha ng abogasya sa De La Salle University-Bonifacio Global City campus.

Sa ulat, huling nakita si Granada sa Ridgewood Premier Condominium, Taguig at halos magdadalawang linggo na itong nawawala.

Nitong Sabado, natagpuan ang katawan ni Granada na tila nabubulok na sa isang bakanteng lote sa Barangay Sapa, Naic, Cavite nitong Sabado.

Ayon sa mga pulis, sa tabi ng katawan ni Granada ay natagpuan nila ang isang plastic bottle na may label na “Drain Clog Free”, isang kemikal na ginagamit sa pagtunaw ng mantika o grasa.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na mayroong foul play sa krimen na naging dahilan ng pagkamatay ng law student.

Samantala, humihiling naman ang naiwang pamilya ni Granada ng privacy habang ang pamilya ay nagdadalamhati sa pagkawala ng 25-anyos na law student.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog