3 PATAY SA SALPUKAN NG SASAKYAN SA TAGAYTAY; ISANG BUNTIS, KASAMANG NASAWI

 


Hindi nakaligtas sa aksidente ang isang buntis maging ang kapitbahay nitong naghatid sa kaniya para magpa-checkup sa Tagaytay City.

Sa ulat, patungong ospital ang mga biktima para sana magpa-checkup nang sinalpok ng isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) ang sinasakyan nilang kotse Bypass Road ng Barangay Zambal sa Tagaytay City.

Kasama din nilang namatay ang isa pa nilang kasamang lalaki na nakasakay sa kotse.

Habang, sugatan naman ang mga na sakay ng MPV na napag-alamang bagong graduate na senior high school students.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing ang drayber ng MPV na isang 18-anyos na napunta sa kabilang linya ng kalsada dahilan na sumalpok ito sa paparating na kotse kung saan sakay ang mga biktima.

Dahil dito, mahaharap sa patong- patong na reklamo ang driver na ng MPV wala pa umanong pahayag.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog