PRESYO NG MGA SARDINAS, POSIBLENG TUMAAS NG P3


Umaapela ang grupo ng Canned Sardines Association of the Philippines na taasan ng P3 ang kanilang produkto dahil sa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga inaangkat na tin sheet na nagdulot ng paghina ng peso sa merkado.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines executive director na si Francisco Buencamino, umaapela itong gawin sa tig-P24 ang presyo ng mga sardinas na de lata mula sa dating P21.

Ani pa ni Buencamino, kapag hindi napayagan ang SRP hike ay bababa ang suplay ng mga sardinas.

“Mayroon namang option, magbabayad nga lang ng mas mahal if you really want sardines,” dagdag pa nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog