Nakatanggap
ng bomb threat ang isang pasahero sa Zamboanga International Airport nitong
Sabado.
Ayon sa Civil
Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nadiskubre ng isang crew member
ng Cebu Pacific flight 5J851 patungong Manila ang isang rolyo ng toilet paper
sa loob ng CR ng eroplano na may nakasulat na “may bomba”.
Agad na
nag-report sa ground security personnel ang nasabing flight attendant at nirespondehan
naman ito.
Sa
isinagawang inspeksyon, walang bomba na natagpuan sa loob ng eroplano.
Kung kaya’t balik-normal
na ang operasyon ng Zamboanga International Airport.
Samantala,
nagpaalala naman ang CAAP sa publiko sa posibleng kakaharapin na parusa sa
sinumang may pakana sa likod ng bomb threat alinsunod sa Presidential
Decree No. 1727.
0 Comments