Bumagsak ang
ilang mga tipak ng semento mula sa NAIA Expressway sa sasakyan ng isang
estudyante sa kahabaan ng MIA Road sa Barangay Tambo, Parañaque City nitong Miyerkules.
Sa mga larawan,
makikita ang labis na pagkapinsala ng windshield ng naturang sasakyan, maging
hood at bubong nito.
Ayon sa mga
report, bumagsak ang mga konkretong debris mula sa isang bahagi ng expressway
na kumukonekta sa mga support beam nito.
Sugatan naman
sa insidente ang isang estudyante na agad nirespondehan at binigyan ng first
aid bago dinala sa ospital.
Matatawag
namang isolated at rare case ang insidente, ayon sa operator ng expressway.
Habang,
tiniyak naman ng kumpanya na nakikipag-ugnayan na ito sa mga lokal na awtoridad
at sa pamilya ng biktima para sa kinakailangang tulong nito.
Samantala,
nagsagawa naman ng masusing safety inspection ang maintenance team ng operator
sa NAIA Expressway (NAIAX) carriageway upang maiwasan ang kaparehong insidente
at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
0 Comments