132 MIYEMBRO NG CTG, NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO; IBA'T IBANG URI NG MGA ARMAS, KASAMANG ISINUKO

 


Umabot sa 132 na mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang sumuko sa mga pulis at militar sa rehiyon ng Bicol mula sa unang araw ng Enero hanggang ika-25 ng Hunyo ngayong taon.

Ayon sa Police Regional Office 5, kasamang isinuko ng mga rebelde ang 60 piraso ng iba’t ibang uri ng armas, 24 improvised explosive devices, at mahigit 2,700 bala ng iba’t ibang kalibre.




Dagdag pa rito, naging malaking tulong sa pagbabalik-loob ng mga rebelde ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at ang Retooled Community Support Program o RCSP, na nagbibigay ng alternatibo at suporta sa mga dating kasapi ng kilusan.

Samantala, panawagan pa ng PNP Bicol sa mga natitirang miyembro ng CTG na magbalik-loob na sumuko upang makamit na ang inaasam na kapayapaan sa buong kapuluan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog