Kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa isang TikTok influencer matapos nitong sabihan na “matab-ang” o matabang ang mga pagkain na kaniyang in-order sa CoffeeBreak, isang café sa Iloilo sa isa sa kaniyang food review videos.
Tila maraming netizens ang hindi natuwa sa sinabi ni Euleen Castro o ang kilalang “Pambansang Yobab” sa mga local cuisine na inihain sa kaniya sa isang café.
"Nag-try kami dito sa Coffeebreak," sabay pagturo sa mga pagkaing nasa lamesa. "Out of all of you, walang masarap," anito.
"Ang dami niyo diyan, walang masarap sa inyo, ni isa. P*ta!" dagdag pa nito.
Dahil dito, agad na umalma ang mga netizens at nagkomento na dapat balaan ang mga content creators na hindi rumerespeto sa local communities at dapat humarap sa legal na kaparusahan tulad ng cyber liber o ang ideklarang persona non grata.
"Persona non grata xa bla yor! Best tambayan ang CB every time mag study or mag work kami paper!!," komento ng ilang netizen.
"Baka pwede mayor bigyan ng warning ung mga content creator or influencer na masyado man sa pag disrespect sa mga local community di.. at pwede ma file sang Cyber Libel or Persona Non Grata kung sobra sobra na gd..." dagdag pa ng ilan.
Sa kabila nito, nagsalita na ang Coffeebreak ukol sa isyu maging ang spokesperson ni Mayor Jerry P. Treñas ng Iloilo City.
Sa pahayag nito, bagama’t naiintindihan ng naturang café na magkakaiba ang panlasa ng bawat tao, naniniwala sila na ang constructive criticism ay maaaring palaging ipaalam nang may paggalang.
Sinuportahan naman ng alkalde ng Iloilo ang naging pahayag ng Coffeebreak.
Nabatid na si Yobab ay nakilala dahil sa mga content nito ng pagiging prangka at no-holds-barred food reviews, na nagresulta sa unti-unti nitong pagkakakilala sa buong social media.
0 Comments