"MT. KAMUNING" FOOTBRIDGE, PAPALITAN NG ELEVATOR - DOTR

 


Nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin na ang “Mt. Kamuning” footbridge dahil sa ilang pagrereklamo ng mga commuters.

Ayon sa Department of Transportation, masyadong matarik at hindi accessible ang overpass lalo na sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs).

Kaugnay nito, aasahan sa bagong mababang footbridge ang pagkakaroon ng elevators na kokonekta sa GMA-Kamuning EDSA Busway station.

Nakatakda namang sisimulan ang konstruksyon ngayong taon, ayon pa sa DOTR.

Matatandaang binuksan sa publiko ang P10-milyong EDSA-Kamuning footbridge noong Nobyembre 2018 upang mabawasan ang kaso ng vehicular accidents sa lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog