BABAE SA CHINA, LABIS NA NASAKTAN SA PAG-IWAN NG DATING NOBYO; BILANG GANTI, NAGPADALA ITO NG TONE-TONELADANG SIBUYAS SA BAHAY NG DATING NOBYO

 


“I CRIED FOR THREE DAYS, AND NOW IT’S YOUR TURN!”

Ito ang sinabi ng isang babae sa isang liham na may dalang regalo na literal na mapapaiyak ka.

Napuno lang naman kasi ng nangangamoy na bulok na sibuyas ang bahay ng ex-boyfriend ng babaeng Chinese.

Sa isang ulat, ang naturang ginawa ng babaeng Chinese ay ang kaniyang revenge gift sa ex-boyfriend na nakipaghiwalay sa kaniya, ilang araw bago ang Chinese Valentine’s Day.

Ayon kay Zhao, halos isang taon na silang magkarelasyon ng kaniyang dating nobyo nang bigla na lang itong nakipaghiwalay.

Nagdulot naman ito ng matinding sakit sa babae ngunit ang kaniyang ex-lover ay hindi man lang umiyak.

Kung kaya’t napagdesisyunan nitong padalhan siya ng regalo na magpapalabas sa luha nito.

"Money is nothing. But the feelings between two people are precious. I can't be the only one crying," anito.

Ang China ay mayroong tatlong iba’t ibang araw ng Valentine’s Day – isa ang Pebrero 14 na karaniwang ipinagdiriwang ng karamihan, habang ang isa ay ipinagdiriwang sa buwan ng Hulyo alinsunod sa Chinese Lunar Calendar.

Isa pang romantic date nak ilala sa mga batang couples ay tuwing Mayo 20 dahil ang pagbigkas ng Mandarin para sa "five two zero" ay katulad ng "I love you" at isang araw para sa mga magkasintahan upang makipagpalitan ng mga regalo.

Dahil sa breakup ng dalawa, nagdulot ito ng masangsang na amoy sa buong komunidad.

"I don't know whether her boyfriend is crying or not. But I feel choked!," saad ng babaeng nanininirahan sa kaparehong komunidad.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog