Sinorpresa ng
social media influencer na si Zeinab Harake ang asawa nitong si Bobby ray Parks
ng bagong Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng P5.7-milyon bilang regalo sa
araw ng kanilang kasal sa Tagaytay.
Sa isang vlog,
ibinahagi ang emosyunal at masayang kaganapan ng mag-asawa sa araw ng kanilang
kasal kung saan nagpalitan ang mga ito ng kani-kanilang regalo sa isa’t isa.
Nag-standout
naman sa video ang eksena kung saan tumulong ang kanilang anak na sina Bia at
Lucas sa paghatid ng mga regalo sa mag-asawa.
Hindi maitago
ni Ray ang saya nang makatanggap ito ng regalo mula sa asawa nitong si Zeinab.
Habang,
nakatanggap din ng isang luxurious bag na Hermes mini Kelly bag na nagkakahalaga
ng mahigit P2-milyon si Zeinab mula kay Ray.
Ang mga
regalo ay may kasamang mga liham mula sa mag-asawa, na nagdulot ng pagiging
memorable nito.
0 Comments