“LASANG
MARGARINE, LASANG KANTO”
Ganito kung
ilarawan ng isang dating beauty queen ang kalidad ng mga cake sa Puerto
Princesa City, Palawan.
Sa isang post
ni dating Miss Earth Philippines Imelda Schweighart, ibinahagi nito ang
kaniyang opinyon ukol sa kalidad ng mga local baked goods na tila hindi swak sa
panlasa nito.
Sinabi ni Schweighart
na ang kanyang mga pahayag ay batay sa personal na panlasa at hindi nito
nilalahat ang mga lokal na panadero.
“What I
posted was my personal opinion — hindi generalization,” anito. “Sabi ko: ‘This
is a sentiment I have.’ ‘Medyo hindi swak sa panlasa ko.’”
“Wala akong
sinabi na lahat ng bakers ay walang kwenta. Wala akong binanggit na pangalan.
Pero somehow, some of you felt attacked. That’s… interesting,” dagdag pa nito.
Nauna nang
nag-post si Schweighart na tila hindi ito natutuwa sa mga cakes at pastries ng
Puerto Princesa.
“Pwede na ang
lasa pero cakes , pastries
medyo hindi talaga
swak sa panlasa ko. Walang gumagawa ng kakaiba dito.. puro ensaymada na hindi
fluffy, or.. mga chakang kanto baked bread,” saad nito.
Ngunit, sa
ikalawang post, nilinaw ng dating beauty queen na hindi ito namba-bash, kundi
ibinabahagi lang nito ang personal na karanasan at opinyon tungkol sa isang
bagay o pagkain.
Samantala,
idiniin nitong bukas siya sa sinumang magpapatunay na mali ito.
“I’m open to be proven wrong. In fact, I’d
love to find a truly good cake in Puerto Princesa. This isn’t hate — this is a
call for excellence. Kaya kung meron ka d’yan na pang-Mary Grace levels… slide
it to me,” saad nito.
0 Comments