2 MAGKAPATID, PINAGTATAGA-PATAY NG AMAIN SA LEYTE

 



Dead on arrival ang dalawang paslit matapos na pagtatagain ng kanilang amain sa Albuera, Leyte.

Ayon sa mga ulat, nag-away ang mga magulang ng biktima dahil sa selos na nauwi sa pananaga ng suspek sa mga biktima.

Kaugnay nito, nauna raw tagain ng suspek ang kaniyang kinakasama at saka binalingan ang dalawang bata na natagpuang wala ng buhay sa loob at labas ng kanilang bahay.

Agad namang isinugod ang nanay ng mga bata sa ospital na nasa kritikal na kondisyon dahil sa natamong mga sugat sa katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na labis umanong nagsisisi. Depensa niya, nawala umano siya sa kaniyang sarili dahil sa labis na pagseselos.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog