Patay na ng
matagpuan ang isang 18-anyos na dalagita na napaulat na nawawala sa Pawa,
Tobaco City, Albay nitong Hunyo 21, 2025.
Ayon sa ulat,
sinabi ng pamilya ng nobyo ng biktima na nagpaalam itong pupunta sa bahay ng kaniyang
tiyuhin ngunit lumipas ang 24-oras ay hindi pa rin ito nakabalik.
Dito na nagdesisyong
makipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa mga pulis sa lugar upang puntahan ang
bahay ng sinasabing tiyuhin kung saan umano tumungo ang dalagita at nobyo nito.
Pagdating sa
lugar, wala naman silang nadatnan na bakas ng biktima.
Sa pagdaan ng
ilang oras, sumuko sa mga awtoridad ang suspek na boyfriend ng biktima. Itinuro
din nito kung saan inilibing ang bangkay ng biktima.
Pahayag ng
suspek, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng biktima kung kaya’t sinakal niya
ito hanggang sa malagutan ng hininga.
Sa ngayon,
hawak na ng PNP ang suspek, habang patuloy ang isinasagawang malalimang
imbestigasyon sa insidente.
0 Comments