IVANA ALAWI, NILINAW ANG ISYUNG KABIT SIYA NG ISANG POLITIKO

 


“HINDI AKO PINALAKING MANIRA NG PAMILYA” – IVANA ALAWI

Mariing itinanggi ng aktres na si Ivana Alawi na siya ay ‘homewrecker’ nang siya ay sumailalim sa isang lie detector test na mapapanood sa kaniyang vlog.

Ito ay kasunod ng mga kumakalat na balita na si Ivana ay may lihim umanong relasyon sa isang politiko na una nang naging isyu noong 2023. Kung saan, parehong itinanggi ng dalawang kampo na mayroon silang relasyon.

“Ikaw ba ay nanira ng pamilya,” pagtatanong kapatid ni Ivana na si Mona.

Diretsahan naman itong sinagot ni Ivana na “No” at agad na nag-thumbs up ang lie detector machine bilang senyales na ito’y nagsasabi ng totoo.

Sinundan din ito ng paliwanag ng aktres kung saan naibunyag nitong siya din mismo ay produkto ng ‘broken family’.

“Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect families kasi kami nga broken family. Tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala eh,” anito.

Matatandaan na sa nag-viral na isinampang reklamo ng misis ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ay nadawit ang pangalan ni Ivana na kabit ng alkalde matapos silang makitang magkasama sa isang paliparan sa Japan. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog