Binantaan ng
Iran ang US bases sa Middle East matapos ang malawakang air strikes na sumira
sa nuclear program sa Tehran.
Sa
sunod-sunod na pagpapalitan ng air strikes sa pagitan ng Iran at Israel,
nag-isyu ng worldwide caution alert ang US State Department para sa mga
residente nito na bumabyahe o naninirahan abroad.
Pinangangambahan
naman ang maaaring paglala ng komosyon sa gyera ng Israel vs Iran dahil sa pagsali
ng US.
Ayon kay Ali
Akbar Velayati, advisor sa Iran's supreme leader Ayatollah Ali Khamenei,
posibleng atakehin ang mga base na ginamit ng US forces bilang paghihigante ng
Iran.
"Any
country in the region or elsewhere that is used by American forces to strike
Iran will be considered a legitimate target for our armed forces," anito.
"America
has attacked the heart of the Islamic world and must await irreparable
consequences," dagdag pa ni Velayati.
Sa kabila
nito, hinikayat ni US President Donald Trump ang Iran na wakasan na ang gulo
matapos ang sorpresang pag-atake nito sa key underground uranium enrichment
site sa Fordo kasama ang nuclear facilities sa Isfahan at Natanz.
Samantala,
nagtipon-tipon naman ang mga tao nitong Linggo sa sentro ng Tehran para
kilos-protesta laban sa mga pag-atake ng US at Israel kasabay ng pagwawagayway
ng mga bandila at pagpapahayag ng kanilang slogans.
0 Comments