MAHIGIT 400-KILONG BOMBA, NADISKUBRE SA NUEVA VIZCAYA

 



Nadiskubre ng isang magsasaka ang isang malaking bomba habang ito’y nag-aayos ng irigasyon sa kaniyang sakahan sa Barangay Poblacion, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, ang naturang UXO o unexploded ordnance ay may bigat na 1000 lbs o tinatayang 454-kilo na lumitaw lamang dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Pinaniniwalaan naman na ang UXO ay nagmula pa sa panahon ng World War II kung kaya’t agad na ipinagbigay-alam ito sa Provincial Explosives and Canine Unit upang masuri at maisagawa ang pagkuha sa lugar.



Ikinabahala naman ito ng mga residenteng malapit sa lugar kung saan naroroon ang bomba dahil buo pa ito nang matagpuan.



Samantala, inaasahang ililipat ang bomba sa PNP Nueva Vizcaya headquarters, bago ito dalhin sa regional office para sa mas ligtas na pagproseso.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog