AVON, PINAGHAHANAP ANG NAG-VIRAL NA BREADWINNER NA NAANTIG SA SORPRESANG PANTY GIFT

 


Pinaghahanap ngayon ng AVON Philippines ang isang breadwinner na nag-viral dahil sa nakakaantig nitong kwento.

Sa post, napaiyak ang isang breadwinner ng pamilya matapos itong makatagpo ng isang set ng bagong underwear na nakalagay sa bag nito. Ito pala ay surprise gift mula sa nanay nito.

“Hindi ko napigilan humagulhol ako. Binili raw ni Mama, inipon niya sa mga natitira kong padala,” saad ng uploader.

Aniya, kaliwa’t kanan ang pagtatrabaho nito upang may pambili ng regalo sa graduation ng kapatid, motorcycle parts para sa kaniyang tatay, at isang bagong cellphone para sa kaniyang nanay.

Dahil sa napaka-busy na schedule nito, tuwing Semana Santa lang ito nakakauwi at tila wala nan goras para mag-unpack.

“Ang layo ko na! Ang layo na namin! Kaunti na lang, malapit na ako naniniwala ako,” sabi nito nang maalala na minsan na itong naki-share ng underwear sa mga kapatid dahil sa walang kakayahan na bumili ng mga branded.

Dahil dito, umabot sa AVON ang kuwento at pinaghahanap ang babae.

“HELP US FIND ‘ATE’! We were moved by her story and we are actively looking for her since she posted on Reddit. Gusto namin siyang mapasaya.”

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog