ALAMIN ANG KWENTO SA LIKOD NG PANGALANG "TANGALAN" - BAYAN SA PROBINSYA NG AKLAN


ALAM NIYO BA | Ang pangalan ng Tangalan ay nanggaling sa pangalang “Natanggatan at Tanggal”.

Noong panahon ng Espanyol, sinasabing kinuha ang pangalan ng Tangalan mula sa dalawang insidente na nangyari sa nasabing panahon.



Nag-umpisa ito nang masira ang rudder ng bangka ng Espanyol na minamainobra ng isang Tagalog dahilan na kailangan itong dalhin sa pampang upang ayusin.
Nang tanungin ng isang katutubo ang kapitan ng bangka kung bakit ito nasa pampang, sumagot itong “natanggatan” na ang ibig sabihin ay “displaced” na tumutukoy sa natanggal na rudder ng bangka.
Habang, isa pang insidente ang nangyari kung saan isang opisyal na Espanyol ang dumaan sa pampang at nakatagpo ito ng mga tumutubong puno na may kakaibang dahon. Nang tanungin ang mga native kung ano ito, sumagot silang “Tanggal”, pangalan ng puno sa lokal na dayalekto.
Dahil sa dalawang pangyayari noong Spanish Period, nabuo ang pangalang “Tangalan”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog