Photo Courtesy: By Sherman Calotes | Philippine People's Press
Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang katawan ng isang teenager na buntis sa isang remote area sa bayan ng Midsalip sa Zamboanga del Sur nitong Sabado.
Kinilala ang teenager kay Erna Cuevas Andawas, 16-anyos at walong-buwang buntis.
Iniulat na nawawala si Andawas matapos itong sumunod sa kaniyang live-in partner na umuwi sa kanilang tahanan sa Purok 2, Duelic village sa Midsalip.
Ngunit, hindi nakaabot sa lugar si Andawas at natagpuan na lang ang katawan nito sa madamo at magubat na lugar ng Purok 2, Barangay Duelic.
Ayon sa mga pulis, mailalarawan ang lugar na isang “remote area” kung saan 30-minuto ang byahe mula sa town proper ng Midsalip patungo sa sentro ng Barangay Duelic. Bago pa man makarating sa Purok 2, kinailangan pang maglakad ng tatlo at kalahating oras.
Wala namang kamalay-malay ang live-in partner ni Andawas na sumunod ito sa kaniya noong June 11 at nalaman na lamang nang ito’y nakabalik sa Lison Valley noong June 16.
Sinasabing nakaranas ng matinding head trauma ang biktima bunsod ng pagkahulog nito mula sa mataas na lugar kung saan naunang bumagsak ang ulo na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Wala namang senyales ng foul play sa nangyari.
Samantala, nakatakdang i-turnover ang katawan ni Andawas sa malalapit nitong pamilya at hinihingi pa ang apruba kung isasailalim pa sa autopsy ang katawan nito.
0 Comments