Naiwan ang
2-anyos na bata at ang lola nang mangyari ang insidente ng pagbagsak ng Air
India jet sa college hostel sa India.
Sa ulat,
30-minuto bago ang insidente ay lumabas si Ravi Thakor, tagapagluto ng hostel
canteen, kasama ang asawa nito upang mag-deliver ng lunch boxes habang naiwan
naman ang kanilang 2-anyos na anak at ang lola nito.
Umaasa naman
si Thakor sa ikalawang himala na mahahanap nito ang anak at ang lol anito katulad
ng pagkakaligtas ng isang pasahero mula sa 242 kataong sakay ng eroplano.
Ayon kay
Thakor, inakala nito na ang narinig na malakas na putok ay mula sa sumabog na
gas cylinder ngunit ngunit maya-maya lang ay napansin niyang nilalamon ng apoy
ang gusaling iniwan niya.
Sa loob ng
ilang araw, bigo nitong mahanap ang anak at kaniyang nanay sa mga ospital at
maging sa morgue.
Kung kaya’t
nananatili pa ding nawawala ang 2-anyos na bata at lol anito.
Samantala, humigit-kumulang
271 katao ang namatay sa insidente kung saan 241 dito ang mga pasahero at crew
ng eroplano at ang natitirang bilang ay mga taong nasa lupa na karamihang nasa
loob ng hostel building.
0 Comments