Hindi lubos
akalain ng isang babae sa United States na halos pitong taon siyang nagdurusa
sa walang-humpay na sinus infection.
Nang
komunsulta sa doktor, nadiskubre na ang salarin sa kaniyang impeksyon ay ang
utot ng kaniyang dating nobyo.
Ayon kay
Christine Connell, nag-umpisa ang kaniyang sintomas nang mag-overnight ito sa
isang hotel room kasama ang kaniyang dating nobyo. Nagpapahinga ito mula sa
isang knee surgery nang bigla na lang bumuga ng masangsang na amoy ng hangin
ang nobyo habang nagbibihis sa harap nito.
Nung una,
hindi naniwala si Christine na utot ng kaniyang dating nobyo ang dahilan ngunit
nadiskubre ng mga doktor na ito ang sanhi nang kumuha ito ng culture sample
mula sa ilong nito.
Ang sinus
infections ay ang pamamaga ng mga sinus - cavities sa ilong, mga pisngi at noo –
na karaniwang nangyayari matapos makaranas ng sipon o trangkaso.
Sinabi pa ni
Christine na hindi na gumagana sa kaniya ang mga antibiotics kung kaya’t
sumailalim ito sa surgery upang tuluyang tanggalin ang bacteria.
“I realised
that my ex-boyfriend got the best possible break-up revenge that anyone could
ever get,” ani ni Christine.
0 Comments