Nasibak sa
pwesto ang walong hepe ng Metro Manila alinsunod sa utos ng Philippine National
Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III.
Ito’y matapos
bigo nilang tugunan limang minutong oras ng pagtugon sa mga problema sa
kapayapaan at kaayusan na utos ni PNP chief Gen. Torre III.
“If they
can’t step up to that standard, we will look for commanders who will do so,” ayon
kay PNP chief Gen. Torre III. “That is our commitment to the President and to
the Filipino people.”
Nakilala ang
mga opisyal na nasibak na sina Col. Paul Jady Doles ng Caloocan, Col. Jean dela
Torre ng Makati, Col. Mary Grace Madayag ng Mandaluyong, Col. Erwin Dayag ng
Marikina, Col. Mario Cortes ng Navotas, Col. Melvin Montante ng Parañaque, Col.
Deodennis Joy Marmol ng San Juan at Col. Nixon Cayaban ng Valenzuela.
Ayon kay PNP
chief Gen. Torre III, hindi ito mag-aalinlangang paalisin sa pwesto ang mga
police officers kung kinakailangan depende sa resulta ng kaniyang simulation
exercises (SIMEX) dahil maraming mga opisyal ang kwalipikado na magpapatupad ng
polisiya nito.
Samantala, bagama’t
wala itong intensyon na mamahiya ng mga opisyal, kailangan niya itong gawin upang
ma-reassess ng mga nasibak na opisyal ang kanilang commitment sa ipinapatupad
na standards.
0 Comments