Inaasahan ang
isa hanggang dalawang mga bagyo ang papasok sa Philippine area of
responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services (Pagasa).
Batay sa 5:00
am weather forecast, ipinakita ni weather specialist Daniel Villamil ang
diagram ng karaniwang dinadaanan ng mga bagyo para sa buwan ng Hunyo.
Ang unang
dalawang tracks ay tinawag na “recurving scenarios” habang ang ikatlo at ikaapat
ay ang “landfalling scenarios”.
Sinabi ni
Villamil na ang posibleng low pressure area na maaring maging tropical cyclone
ngayong buwan ay maaaring lumapit sa kalupaan ng Pilipinas. Ngunit, maaari
itong ma-recurve northward o northeastward patungo sa northern boundary ng PAR
o ang mga bansang Taiwan at Japan.
Bagama’t ang
tropical cyclone ay malayo sa northeast na porsyon ng bansa at kahit na hindi
mag-landfall, posible pa din nitong mahila ang southwest monsoon.
Paliwanag pa
ni Villamil, kahit na malayo ang tropical cyclone ay hindi malabong uulanin ang
buong bansa hindi dahil sa tropical cyclone kundi bunsod ng pinalakas na habagat.
Nauna nang
idineklara ng Pagasa nitong Biyernes ang pagsisimula ng Habagat season kung
saan senyales na ito ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
0 Comments