Nagsalita na
ang dating Miss Grand International 2024 na si Rachel Gupta kasunod ng inilabas
na alegasyon ng pageant organization laban sa kaniya.
Sa kaniyang
video, naging emosyunal ang beauty queen nang detalyado nitong ipinahayag ang
naging karanasan sa organisasyon.
“Constant
harassment, mental torture and systemic mistreatment,” pagsisimula ni Gupta sa
kaniyang video.
Hindi lubos
akalain ni Gupta na pinapayagan ng naturang beauty pageant ang mga bansa na magbayad
para sa boto.
Hindi din
nito masisisi ang mga bansa na gagawin ang lahat para manalo ang kanilang
pambatong kandidata at ibinato ang sisi sa organisasyon sa pagtanggap at
pag-set ng ganitong standard.
Kinuwestyon
pa ni Gupta ang organisasyon sa kung paano naman ang ibang mga kandidata na
hindi kayang magbayad o ang mga bansang walang kakayahan na magbigay ng
malaking halaga.
Sa kabila
nito, naniniwala si Gupta na ang kaniyang pagkapanalo sa titulo ay bunga ng
public support lalo na’t hindi kayang magbayad ng India para bumili ng mga boto.
Ibinunyag pa
ng Indian national na siya ay itinira sa hindi maayos na pamumuhay sa Thailand kabilang
na ang pagtira sa isang maliit na hotel room na walang pagkain at basic
amenities na ibinibigay.
Nakaranas din
aniya ito ng body shaming at verbal abuse mula sa mga kinatawan ng
organisasyon.
“What am I
supposed to say to that, it’s so embarrassing and it makes you feel so small
and so bad and I understand obviously I have to stay fit for the job. I have to
stay in shape but it’s so difficult when you don’t have access to anything and
you’re just locked in a house basically all day long,” sabi ni Gupta.
Ikinuwento pa
ni Gupta na isang buwan lang ang kaniyang natanggap na sahod at ang pamilya na nito
ang sumasagot sa kaniyang mga gastusin.
Ipinaabot din
nito ang kaniyang kaligtasan mula sa organisasyon kaugnay ng kasong kinasangkutan
ng dating titleholder na nagreklamo ng sexual harassment ngunit agad namang na-dismissed.
Nanawagan
naman ang beauty queen na maging aware at hinimok ang publiko na “think
critically about where they place their trust.”
Matatandaang
naglabas ng anunsyo si Gupta ukol sa kaniyang pag-resign at pagbitiw sa
kaniyang titulo sa isang social media post. Sa kaparehong araw, naglabas din ng
opisyal na pahayag ang MGI ukol sa pag-resign ng dating beauty queen at
sinabing bigo nitong nagampanan ang mga tungkulin dahilan ng pagkakatanggal sa
titulo.
0 Comments