SUSPEK SA PLANONG BOMB ATTACK SA CONCERT NI LADY GAGA SA BRAZIL, NAARESTO

 


Arestado ang dalawang katao na sangkot sa naudlot na planong atakehin ang mega-concert ni Lady Gaga sa Rio de Janeiro.

Ayon sa mga pulis, naaresto nito ang isang indibidwal na pasimuno sa pag-atake at isang teenager na may codename na “Fake Monster”.

Target ng pag-atake ang mga miyembro ng LGBTQ+ at makalikom ng katanyagan sa social media.

Sinasabing nakapag-recruit sila ng mga tao online na gawin ang pag-atake gamit ang improvised na bomba at Molotov cocktails upang makuha ang atensyon ng madla.

Samantala, isa pang indibidwal ang kinasuhan ng terorismo matapos umano’y plano nitong gawin ang isang ritwal kung saan kinailangang pumatay ng isang bata o sanggol para maging alay.

Ang ngayong taong concert ni Lady Gaga ay ang ikalawang pinakamalaking concert na dinagsa ng hanggang 2-milyong katao.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog