3 MAGKAKAPATID SA SPAIN, IKINULONG NG MAGULANG SA KANILANG BAHAY


Matagumpay na na-rescue ang tatlong magkakapatid mula sa kanilang bahay sa Oviedo sa bansang Spain matapos umano silang i-isolate ng kanilang mga magulang noon pang 2021, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa report, nakasaad na may mga batang nasa edad 8-anyos at 10-anyos ang nakakulong sa kanilang tahanan at pinaghihigpitan na sumunod sa mga pandemic precaution kabilang na ang pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay sa kabila ng pag-alis ng mga lockdown.

Bagama’t kinumpirma ng mga awtoridad na hindi naman malnourished ang mga bata, natagpuan naman silang marurumi at tila nilayo sa reyalidad.

Ayon sa isang imbestigador sa El Mundo, nang kanilang ma-rescue ang mga bata ay makikita sa kanila ang tila kaginhawaan na makalabas.

Kung saan, tuwang-tuwa sila kahit sa mga simple at maliliit na bagay na hindi nila nakikita sa kung saan sila ikinulong.

Noong Abril 14, isang kapitbahay ang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad na ang naturang mga bata ay ilang taon nang hindi pumapasok ng paaralan dahilan ng pagkabahala at pagsisiyasat.

Kasunod ng pag-rescue, inaresto naman ang mga magulang at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pag-abandona sa mga bata at domestic abuse.

Sa ngayon, patuloy ang pagsusuri ng mga awtoridad sa kondisyon ng mga bata at isinalalim sa pangangalaga ng social services.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog