Hinarang sa
airport ang isang Pilipina matapos madiskubreng peke ang ipinakitang marriage
certificate sa Bureau of Immigration nitong Sabado.
Ayon sa BI,
lilipad sana patungong Nigeria ang Pinay na 33-anyos upang magtrabaho ngunit
tila na-scam pala ito.
Nabiktima
pala ang Pinay ng illegal recruitment kung saan inamin nitong may alok sa
kaniyang trabaho sa Nigeria bilang kasambahay sa sahod na P35,000.
Dagdag pa ng
BI, sinabi sa kanila ng 33-anyos na babae na ikinasal siya sa isang Nigerian
noong May 2024 ngunit ipinagbabawal sa tradisyon ng nayong kinabibilangan ng
asawang Nigerian na ibahagi ang anumang ebidensya ng kanilang kasal.
Dahil dito,
hindi pinayagang makalabas ng bansa ang nasabing Pinay at nagpaalala naman si BI
commissioner Joel Anthony Viado sa publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa
anumang job offers sa ibang bansa.
0 Comments