Opisyal na
nag-signed off ang social media platform na Skype nitong Lunes, May 5.
Kinumpirma
ito ng Microsoft na siyang kumuha ng Skype sa halagang $8.5-bilyon noong 2011.
Bago pa man
umusbong ang Discord, Zoom, Google Meet, Slack, at Microsoft Teams, ay mayroon
nang Skype.
Kung matatandaan,
noong 2000s at early 2010, ang Skype ang naging sandalan ng mga tao para sa
kanilang job interviews, remote work, tutoring, at maging sa long-distance na
tawag.
Sa Pilipinas,
hindi lang ito isang app kundi maituturing nila ang Skype bilang “lifeline”.
Ang Skype ang
naging unang sandalan ng mga Pilipino noong hindi pa nauuso ang mga smartphones
na may mga pang-video call lalung-lalo na ng mga overseas Filipino workers
(OFWs).
Naging susi
rin ang Skype sa paglalapit ng mga puso ng ilang mga Pinoy noong 2010 kung saan
ginagamit nila ito upang tawagan ang kanilang mga dayuhang partner.
Ngunit,
dumaan ang pandemya ay tila hindi nagiging epektibo ang Skype dahil sa
kinailangan nang i-prioritize ang Teams para sa komunikasyon.
Dito na
pumasok ang Zoom at Google Meet para sa mga taong nasa remote work at pagdalo
sa mga virtual meetings.
Ang pagsasara
ng Skype ay nagmamarka ng pagtatapos ng isang kabanata sa kasaysayan ng digital
sa Pilipinas na kumukunekta sa mga pamilya, nagpapanatili ng mga relasyon, at sumusuporta
sa mga negosyo.
0 Comments