6 INDIBIDWAL, ARESTADO SA PAMEMEKE NG ALO NA MANIPULAHIN ANG RESULTA NG ELEKSYON KAPALIT NG MALAKING BAYAD

 


Bistado ang pamemekeng alok ng anim na indibidwal upang manipulahin ang resulta ng eleksyon at pumabor sa kanilang kandidato.

Sa ulat, naaaresto ng NBI Olongapo at NBI Special Task Force ang limang lalaki at isang babae sa Pasay City sa isinagawang operasyon ng awtoridad.

Nabuking sa naturang operasyon ang pagbigay ng marked money ng nasabing grupo upang dayain at manipulahin ang resulta ng eleksyon.

Modus ng grupo ang pagpapakilala bilang mga IT expert kung saan mayroon silang kakaibang app sa mobile phone na maaaring i-tamper at basahin ang soft copies ng mga balota sa automated counting machines (ACM).

Ayon sa NBI, mayroon umano silang nakahanda na halos 800,000 na kopya ng mga blank ballots na ipapalit sa Martes o Miyerkules kapag naibigay ang balanseng P15-milyon.

Depensa naman ng mga suspek na mga ahente lamang umano sila ng nagpakilalang sindikato na may kakayahan umanong mandaya.

Dahil dito, mahaharap sa reklamong estafa ang mga suspek, usurpation of authority at paglabag sa election law.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog