ALAM NIYO BA
| Hindi pala orihinal na nanggaling sa Pinoy ang sikat na dessert na halo-halo?
Ang halo-halo
ay isa sa mga sikat at paboritong Pinoy dessert maging ng mga turistang bumibisita
sa Pilipinas.
Pero alam
niyo ba na ang halo-halo ay nag-umpisa sa Japan?
Sa isang
Facebook post ng isang Filipino historian na si Ambeth Ocampo, sinabi nitong
ang halo-halo ay hango sa Japanese dessert na kakigori o “shaved ice” kung saan
ito ay naimbento noon pang 10th century.
Ang sangkap
ng kakigori ay minatamis na beans, tulad ng garbanzos o munggo, shaved ice, at
gatas.
Kalaunan,
tinawag itong “mongo-ya” ng mga Hapon. Ang sangkap: munggo, shaved ice, at
gatas.
Noong World
War II, sinakop ng Japan ang Pilipinas.
Pero bago ito
nangyari, mayroon nang napadpad na mga Hapon sa bansa.
Ayon ito sa
historian na si Peter Uckung sa panayam ng Pinas Sarap noong
April 2017.
Si Peter ay
dalawang dekadang nagtrabaho sa National Historical Commission.
Una raw
natikman ng mga Pilipino ang kakigori noong 1800s, kung kelan nagkaroon ng
awareness ang mga Pilipino tungkol sa yelo ngunit tanging mga mayayaman lamang
ang nakakatikim nito.
At that time,
ini-import pa ito mula sa Wenham Lake, U.S., papuntang India at Australia. Pero
bago makarating sa mga bansang ito ang yelo, mayroon munang stopover sa
Maynila. Sa ganitong paraan na-i-introduce ang yelo sa mga Pilipino.
Pagsapit ng
1850s, mas naging madali ang importasyon ng yelo sa Pilipinas.
Nung
magsimula ang American colonization taong 1902, naitayo sa ang
ice-manufacturing company na Insular Ice Plant sa Maynila.
Dahil dito,
mas naging madali ang paggawa ng Japanese-inspired ice dessert.
Dahil
tropical country ang Pilipinas, sagana ito sa minatamis na prutas.
Paliwanag ni
Peter, “So kung magbabayad ka pa ng extra kusing o yung ekstrang mamera, kasi
dati may value pa ang mamera noon, so may idadagdag na sila na prutas. So
halo-halo na sila, kaya ‘halo-halo.’
“Dati munggo
lang siya, pero dahil maraming prutas dito, tropical country tayo, daming
prutas na puwedeng i-preserve, hinaluan ng kung anu-ano."
Saad pa ni Peter, noong una ay nilalagyan pa ang halo-halo ng tumbong ng niyog o “coconut sprout” dahil mayaman sa niyog ang Pilipinas.
“Marami ditong prutas na wala sa Japan kaya mas masarap ang halo-halo natin.”
Ang
pinagmulan man ng halo-halo ay sa Japan, pero mas nakilala ang version ng mga
Pilipino.
0 Comments